
G9 - Edukasyon Sa Pagpapakatao (K. RIVAS)
“Madaling maging tao, ngunit mahirap magpakatao”. Isang kasabihang madalas nating mapakinggan bilang
paalala na ang pagkasilang natin sa mundo ay hindi nangangahulugan na maaari tayong mamuhay sa kahit
anong paraan natin gusto. Ang magpakatao ay isang katangi-tanging kilos at gawi na nahuhubog habang
lumalaki at tumatanda. Ang karapatan nating mabuhay nang may kalayaan ay may kalapkip na pananagutan
at responsibilidad sa ating sarili, sa ating, kapwa, at sa ating Diyos. Ang pagpapakatao ay isang habang
buhay na paglalakbay na susubok ng iyong pagiging tao.